+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Ang Pinaniniwalaan ng mga Bahá’í


Mahahalagang Mga Ugnayan

Ang pagsasakatuparan ng simulain ng pagkakaisa ng sangkatauhan ay kapuwa ang layunin at ang simulaing pinaiiral ng rebelasyon ni Bahá’u’lláh. Inihambing ni Bahá’u’lláh ang daigdig ng sangkatauhan sa katawan ng tao. Sa loob ng organismong ito, ang milyun-milyong mga selula, na magkakaiba sa anyo at ginagampanan, ay ginagawa ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng isang malusog na sistema. Sa gayunding paraan, ang nagkakasundong mga ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal, mga pamayanan, at mga institusyon ang nagbibigay-daan upang mapanatili ang lipunan at upang makasulong ng kabihasnan.


...

Ang Indibidwal at ang Lipunan »

Nabubuhay tayo ngayon sa isang natatanging panahon sa kasaysayan. Habang iniiwan na ng sangkatauhan ang pagkabata nito at tumutungo na sa yugto ng sama-sama nitong kaganapang-isip, ang pangangailangan para sa isang bagong pag-unawa sa mga ugnayan sa pagitan ng indibidwal, ng pamayanan, at ng mga institusyon ng lipunan ay lalong kinakailangan.

...

Isang Pamilya ng Tao »

Ang paniniwalang tayo ay bahagi ng iisang pamilya ng tao ay nasa kaibuturan ng Pananampalatayang Bahá’í. Ang simulain ng kaisahan ng sangkatauhan ay "ang iniikutan ng lahat ng mga turo ni Bahá’u’lláh..."

...

Ang Pampangasiwaang Kaayusan ng Bahá’í »

Ang mga gawain ng pamayanang Bahá’í ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng isang sistema ng mga institusyon, na ang bawat isa ay may tiyak na saklaw ng pagkilos. Ang mga pinagmulan ng sistemang ito, na kilala bilang ang Pampangasiwaang Kaayusan, at gayundin ang mga tuntuning gumagabay sa pamamalakad nito ay matatagpuan sa Mga Kasalatan ni Bahá’u’lláh.

































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.