+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Kalendaryong Bahá’í

Ang Kalendaryong Bahá’í, na kilala bilang Kalendaryong Badí‘, ay ipinakilala ng Báb. Pinagtibay at ginamit ito ni Bahá’u’lláh, na itinakda ang pagsisimula nito sa taon ng pahayag ng Báb noong 1844.

Sa isang mensahe hinggil sa pandaigdigang pagpapatupad ng Kalendaryong Badí‘, ipinahayag ng Universal House of Justice:

“Ang paggamit ng isang bagong kalendaryo sa bawa’t dispensasyon ay isang sagisag ng kapangyarihan ng Banal na Rebelasyon upang muling hubugin ang pagkaunawa ng tao sa materyal, panlipunan at espirituwal. Sa pamama-gitan nito ang banal na mga sandali ay natatangi, ang puwesto ng sangkatauhan sa loob ng panahon at lugar ay muling ginugunita, at ang ritmo ng buhay ay muling binubuo..”


Dahil ang Bahá’í Era (tinatawag na B.E.) ay pinasimulan ng dalawang Tagapagtatag, kabilang sa mga Banal na Araw ng Bahá’í ang mga kaganapan kaugnay ng kapanganakan, pahahayag, at pagpanaw nina Bahá’u’lláh at ng Báb.

Binubuo ang kalendaryong ito ng 19 na buwan na may tig-19 na araw bawat isa, na may paningit na mga araw na tinatawag na Ayyám-i-Há. Ang bilang ng mga Ayyám-i-Há ay nag-iiba depende sa takdang petsa ng equinox ng tagsibol sa hilagang hemispero taon-taon.

Pinangalanan ng Báb ang bawat isa sa 19 na buwan mula sa ilang mga katangian ng Diyos. Ang Bagong Taon ng Bahá’í (Naw-Rúz) ay astronomikal na itinakda at tumutugma sa equinox ng tagsibol. Ang mga Banal na Araw ay nakapaloob sa solar na kalendaryo, maliban sa paggunita ng Pista ng Kambal na Kapanganakan—ang Kapanganakan ng Báb at ang Kapanganakan ni Bahá’u’lláh—na nagbabago taon-taon, ginugunita sa una at ikalawang araw matapos ang ikawalong bagong buwan mula sa Naw-Rúz.

Ayon sa Kalendaryong Bahá’í, ang isang araw ay mula takipsilim hanggang takipsilim. Kaya, ang isang Banal na Araw, Pista ng Labinsiyam na Araw, o iba pang mahahalagang petsa ay nagsisimula sa paglubog ng araw bago ang nakasaad na petsa sa Gregorianong kalendaryo. Halimbawa, kung ang Naw-Rúz ay tumapat sa 21 Marso, ito ay ginugunita mula sa paglubog ng araw ng 20 Marso hanggang sa paglubog ng araw ng 21 Marso.


...


...
...


Bahá’í Holy Days 182 B.E.


...

Significant Dates 182 B.E.


...
































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.