Ang Pinaniniwalaan ng mga Bahá’í
Pakikilahok sa Buhay ng Lipunan
Pinayuhan ni Bahá’u’lláh ang Kanyang mga tagasunod: “Magpakaabala nang buong pananabik sa mga pangangailangan ng panahon na nabubuhay ka, at iukol ang iyong masusing pag-iisip sa mahihigpit na mga pangangailangan at mga hinihingi nito.”
Dahil dito, sinisikap ng mga Bahá’í sa buong daigdig—kapuwa indibidwal at sama-sama—na makilahok sa buhay ng lipunan, gumagawa nang kabalikat ang iba't ibang mga grupo upang makatulong sa pagsulong ng materyal at espiritwal na kabihasnan.
Ang dalawang nagpupunuang bahagi ng pagsusumikap ang sinasaliksik dito. Ang pagkilos panlipunan o social action ay naglalarawan ng isang hanay ng mga gawain, na madalas na isinasagawa sa antas ng masa, kung saan ang layunin ay upang makatulong sa materyal at panlipunang kagalingan ng higit na malawak na bahagi ng pamayanan. malapit na nauugnay ang mga pagsisikap ng mga Bahá’í upang makatulong sa kapakanan ng publiko sa antas ng kaisipan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga diskurso ng lipunan. Sa indibidwal na mga miyembro ng pamayanang Bahá’í, ito ay karaniwang nagaganap sa pagbabahagi ng mga ideya mula sa mga katuruang Bahá’í sa iba't ibang mga puwang sa lipunan. Ipinagtutugma-tugma ng National Spritual Assembly ang mga pagsisikap ng mga Bahá'í na makilahok sa mga talakayan na nakatuon sa iba't ibang aspeto ng pag-unlad ng lipunan, habang sa pandaigdaigang larangan, ang Bahá'í International Community ay naroroon sa isang hanay ng mga pandaigdigang kabalagang abala sa mga paksang tulad ng pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan at ng pag-unlad na maaaring ipagpatuloy.
Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.
