Ang Paniniwala ng mga Bahá’í
Ang Mga Gawain ng mga Bahá’í
Ang Pananampalatayang Baha'i
Si Bahá’u’lláh at ang Kaniyang Kasunduan
Ang Pananampalatayang Baha’i ay nagsimula sa misyong ipinagkatiwala ng Diyos sa dalawang Banal na Sugo—ang Báb at si Baha’u’llah. Sa kasakuluyang panahon, ang katangi-tanging kaisahan ng Pananampalataya ay nag-uugat mula sa malinaw na mga tagubiling ibinigay ni Bahá’u’lláh, na tiniyak ang pagpapatuloy ng patnubay pagkatapos ng Kaniyang pagyao. Itong pagmana sa tungkulin, na tinaguriang ang Kasunduan, ay nagmula kay Bahá'u'lláh patungo sa Kaniyang Anak na si 'Abdu'l-Bahá, at pagkatapos ay mula kay 'Abdu'l-Bahá patungo sa Kaniyang apo, si Shoghi Effendi, at sa Universal House of Justice, na itinalaga ni Bahá'u'lláh. Tinatanggap ng isang Bahá’í ang banal na kapangyarihan ng Báb at ni Baha’u’llah at nitong hinirang na mga tagapagmana ng tungkulin.
1819-1850
Ang Báb »
Ang Báb ay ang Tagapagbalita ng Pananampalatayang Bahá’í. Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ipinahayag Niya na Siya ang tagapagdala ng isang mensaheng initadhanang magbago sa espiritwal na buhay ng sangkatauhan. Ang Kaniyang misyon ay ihanda ang daan para sa pagdating ng kasunod na Sugo mula sa Diyos, na higit pa sa Kaniyang sarili, na magsisimula ng panahon ng kapayapaan at katarungan.
1817-1892
Bahá’u’lláh »
Si Bahá’u’lláh—ang “Luwalhati ng Diyos”— ang Siyang Ipinangako na ibinalita ng Báb at ng lahat ng mga Banal na Sugo ng nakaraan. Dinala ni Baha’u’llah sa sangkatauhan ang bagong Rebelasyon mula sa Diyos. Libu-libong mga bersikulo, mga liham, at mga aklat ang dumaloy mula sa Kaniyang panulat. Sa Kaniyang mga Kasulatan, inilarawan Niya ang isang balangkas para sa pag-unlad ng pandaigdig na kabihasnan kung saan isinasaalang-alang ang kapuwa espiritwal at materyal na aspeto ng buhay ng tao. Para rito, tiniis Niya ang 40 taong pagkakakulong, pagpapahirap at pagpapatapon.
1844-1921
‘Abdu’l-Bahá »
Sa Kaniyang Habilin, hinirang ni Bahá’u’lláh ang Kaniyang panganay na anak na lalaki, si ‘Abdu’l-Bahá, bilang awtorisadong tagapagpaliwanag ng Kaniyang mga turo at Pinuno ng Pananampalataya. Nakilala si ‘Abdu’l-Bahá sa Silangan at Kanluran bilang kinatawan ng kapayapaan, isang huwarang tao, ang ang nangungunang tagapagtaguyod ng bagong Pananampalataya.
1897-1957
Shoghi Effendi »
Hinirang ni 'Abdu'l-Bahá ang Kaniyang panganay na apong lalaki, si Shoghi Effendi bilang Guardian ng Pananampalatayang Bahá’í. Ginugol ni Shoghi Effendi ang 36 taon sa masistemang pag-aaruga sa pag-unlad, pinalalim ang pag-unawa, at pinalakas ang pagkakaisa ng pamayanang Bahá'í, habang higit at higit pa nitong naipakikita ang pagkakaiba-iba ng buong lahi ng tao.
itinatag noong 1963
Ang Universal House of Justice »
Ang pag-unlad ng Pananampalatayang Bahá’í sa buong daigdig sa kasalukuyang panahon ay ginagabayan ng Universal House of Justice. Sa Kaniyang Aklat ng mga batas, inatasan ni Bahá’u’lláh ang Universal House of Justice na pairalin ang positibong impluwensya para sa mabuting kalagayan ng sangkatauhan, itaguyod ang edukasyon, kapayapaan at pandaigdigang kasaganaan, at pangalagaan ang karangalan ng tao at ang katayuan ng relihiyon.
Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.
