+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Ang Pananampalatayang Baha'i


Ang Pinaniniwalaan ng mga Bahá’í

Pinagtitibay ng Rebelasyon ni Baha’u’llah na ang layunin ng ating buhay ay ang makilala ang Diyos at marating ang ang Kaniyang Kinaroroonan. Ang ating tunay na pagkakakilanlan ay ang ating kaluluwang nakapangangatwiran, na ang malayang kalooban at kakayahang umunawa ang nagbibigay-daan upang patuloy nating mapabuti ang ating sarili at ang ating lipunan. Ang pagtahak sa landas ng paglilingkod sa Diyos at sa sangkatauhan ay nagbibigay ng kabuluhan sa buhay ng tao at naghahanda sa atin para sa sandali ng paghihiwalay ng kaluluwa mula sa katawan at nagpapatuloy sa walang hanggang paglalakbay nito patungo sa Manlilikha.

Apat na paksa ang sinuri sa bahaging ito. Sa ilalim ng bawat pamagat, may isang kalipunan ng mga pahina, mga sanaysay, mga halaw mula sa mga Kasulatang Baha’i, at karagdagang mga mapagkukunan, na sumusuri sa bawat isa sa mga paksa.


...

Ang Kaluluwa ng Tao »

Ang bawat tao ay nagtataglay ng isang kaluluwang hindi namamatay at nakapangangatwiran; ang kaluluwang ito ay nagdaraan sa daigdig na ito sa isang maikling panahon at nagpapatuloy magpakailanman sa pagsulong nito patungo sa Diyos. Ang layunin ng ating buhay ay umunlad sa espiritwal sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating mga kapwa tao. Sa paggawa nito, natatamo natin ang mga katangiang banal na kakailanganin natin sa kabilang na buhay.

...

Pagsamba »

Ang mga gawain ng pagsamba tulad ng pagdasal, pagninilay-nilay, pag-aayuno, peregrinasyon, at paglilingkod sa iba ay likas sa makadiyos na pamumuhay. Sa pamamagitan ng mga ito, nagagawa ng mga indibidwal at ng mga pamayanan na patuloy na palakasin ang natatanging bigkis sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan.

...

Isang Buhay ng Masaganang Pagbibigay »

Tulad din ng layunin ng kandila na magbigay ng liwanag, ang kaluluwa ng tao ay nilikha upang magbigay nang masagana. Natutupad natin ang ating pinakamataas na layunin sa pamamagitan ng isang buhay ng paglilingkod kung saan, sa diwa ng pagpapakumbaba at pagkawalay, ay inihahandog natin ang ating oras, lakas, kaalaman, at kayamanan.

...

Ugali at Asal »

Ang paglilinang ng mga katangiang espiritwal sa daigdig na ito ay hindi maihihiwalay mula sa patuloy na pagpipino ng ating asal, kung saan higit at higit pang nasasalamin sa ating mga kilos ang karangalan at integridad na taglay ng bawat tao. Ang ganitong mga katangiang espiritwal ay hindi nakakamtan sa pamamagitan ng pagtuon sa sarili; sa halip ay pinauunlad ang mga ito sa pamamagitan ng paglilingkod sa sa mga iba.
































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.