+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Ang Pananampalatayang Baha'i


Ang Pinaniniwalaan ng mga Bahá’í

Ipinaliliwanag ng mga Kasulatang Bahá’í na ang realidad ng Diyos ay higit pa sa pag-unawa ng kaisipan ng sinumang tao, bagaman maaari tayong makakikita ng mga palatandaan ng Kaniyang mga katangian sa bawat nilikhang bagay. Sa buong kahabaan ng panahon, nagpapadala Siya ng magkakasunod na mga Sugo ng Diyos, na tinaguriang mga Kahayagan ng Diyos, upang turuan at gabayan ang sangkatauhan, ginigising sa buong mga populasyon ang mga kakayahang makatutulong sa pagsulong ng kabihasnan sa isang antas na hindi pa nagagawa sa nakaraan


...

Rebelasyon »

Ang Diyos, na Manlilikha ng sansinukob, ang nakaaalam ng lahat, ang lubos na mapagmahal at ganap na mahabagin. Tulad din ng pagsikat ng pisikal na araw sa daigdig, gayundin ang liwanag ng Diyos ay sumisikat sa buong Kinapal. Sa pamamagitan ng mga turo ng mga Kahayagan ng Diyos — na kabilang doon sina Abraham, Krishna, Zoroaster, Moises, Buddha, Jesus Christ, Muhammad, at, sa makabagong panahon, ang Báb at si Bahá'u'lláh — ang mga kakayahan ng sangkatauhan sa espiritwal, intelektwal at moralidad ay nilinang.

...

Kalikasan »

Ang kagandahan, kayamanan at pagkakaiba-iba ng kalikasan ay nagpapakilala lahat sa mga katangian ng Diyos. Pinupukaw nito sa atin ng malalim na paggalang sa kalikasan. Ang sangkatauhan ay may kakayahang palayain ang sarili nito mula sa larangan ng kalikasan at, bilang katiwala ng napakalawak na mga yaman ng planeta, tungkulin nitong gamitin ang mga yamang ito sa paraang magpapanatili sa pagkakaisa at tumutulong sa pagsulong ng kabihasnan.

...

Ang Nagpapatuloy na Pag-unlad ng Kabihasnan »

Ang sangkatauhan, na dumaan na sa mga edad ng kamusmusan at pagkabata, ngayon ay nakatayo sa bungad ng pangakalahatang kaganapang-isip nito, kung saan ang palatandaan nito ay ang pagkakaisa ng lahi ng tao sa iisang pandaigdigang kabihasnan. Ang paglitaw ng kabihasnang ito, na masagana sa kapuwa espiritwal at materyal na aspeto, ay nagpapahiwatig na magkasamang sumusulong nang nagkakaisa ang espiritwal at praktikal na mga aspeto ng buhay.

































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.