+63 (2) 7914 0030 nsa@bahai.org.ph

Pakikilahok sa mga Diskurso sa Lipunan

Sa paglipas ng mga taon, nakagawian ng pamayanang Bahá’í na tukuyin ang isang aspeto ng mga pagsisikap nitong makatulong sa pag-unlad ng kabihasnan bilang pakikilahok sa mga diskurso sa lipunan.

Sa alinmang sandali, at sa mga puwang ng lipunan sa lahat ng antas nito, mayroong isang hanay ng nagpapatuloy na mga diskursong nakatuon sa iba't ibang aspeto ng kagalingan at pag-unlad ng sangkatauhan: mga diskurso sa mga paksang tulad ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan, kapayapaan, pamamahala, kalusugan ng publiko, at pag-unlad, bilang pagbanggit sa ilan. Ang indibidwal na mga miyembro ng pamayanang Bahá'í—maging sa pamamagitan ng pakikilahok nila sa buhay ng pamayanang lokal, ng mga pagsisikap nila sa pagkilos panlipunan o sa kanilang pag-aaral, trabaho, o mga gawaing propesyonal—ay sinisikap makilahok sa ganitong mga diskurso, natututo nang kasama at mula sa iba at binabahagi ang kanilang personal na mga pananaw, na hinubog ng mga katuruang Bahá’í, sa mga talakayang namumukadkad. Ang mga kapisanang Bahá’í-inspired ay tumutulong din sa mga diskursong nauugnay sa mga aspeto ng kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan na nauugnay sa kanilang gawain.

Samantala, sinisikap ng mga sangay ng mga National Spiritual Assembly na makatulong sa pamamagitan ng iba't ibang mga paraan para sa pagpapalaganap ng mga ideyang magdudulot ng kabutihan sa madla. Sa antas na internasyonal, ang Bahá’í International Community (BIC) ay abala rin sa kahalintulad na gawain. Ang BIC ay isang pandaigdig na non-governmental organization, na pinagkalooban ng consultative status sa United Nations Economic and Social Council (ECOSOC) at gayundin sa United Nations Children's Fund (UNICEF), at ito ang tumatayo bilang kinatawan ng lahat ng mga National Spiritual Assembly sa daigdig. Ito ay isang aktibong kalahok sa marami sa mga pangunahing kumperensya at kalupunan ng United Nation, at madalas itong naglalahad ng mga ulat at mga pahayag sa iba’t ibang mga paksa tulad ng mga karapatan ng minorya, katayuan ng kababaihan, pagpigil sa krimen, at kapakanan ng mga bata at ng pamilya. Sa mga tanggapan sa New York at Geneva, araw-araw nakikilahok ang BIC ay sa sunod-sunod na mga forum, mga seminar at mga talakayan ng maliliit na mga grupo, na nagaganap sa mga lugar na iyon. Ang BIC ay nagiging higit na aktibong bahagi sa mga talakayan sa antas ng rehiyon, at upang itaguyod ito, ay nasa proseso ito ng pagtatatag ng mga bagong tanggapan sa mga lungsod sa buong daigdig. Ang isang gayong tanggapan ay binuksan sa Brussels noong 2012 upang ipagtugma-tugma ang mga pagsisikap ng mga Bahá’i sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga organisasyon sa Europa kabilang ang European Union at Council of Europe.

Sa anumang antas ito nagaganap, ang layunin ng pakikilahok ng mga Bahá’i sa mga diskurso ay hindi upang hikayatin ang iba na tanggapin ang panindigan ng Bahá’i tungkol sa isa o iba pang paksa. Hindi rin isinasagawa ang pagsisikap sa larangang ito bilang isang gawain ng pampublikong pakikipag-ugnayan o isang pang-akademikong pagsasanay. Sa halip, sinisikap ng mga Bahá’i na manatili sa gawi ng pagsisikap matuto at nakikilahok sa matapat na pakikipag-usap. Sa gayon, hindi sila nakikilahok upang mag-alok ng anumang mga tiyak na solusyon sa mga problemang hinaharap ng sangkatauhan tulad ng pagbabago ng klima, kalusugan ng kababaihan, paggawa ng pagkain, at pagpapagaan ng kahirapan. Ngunit ang mga Bahá’i sa iba't ibang mga lugar sa buong daigdig ay sabik na ibahagi ang kanilang natututunan sa kanilang mga pagsisikap na mailapat ang mga turo ni Bahá’u’lláh para sa pag-unlad ng kabihasnan at matuto nang kasama at mula sa iba pang mga indibidwal at mga grupo na kahalintulad ang layunin.

Ang isa sa mga paraang ginagamit ng pamayanang Bahá’í sa paglilinang ng kakayahan para sa layuning ito ay sa pamamagitan ng mga seminar para sa undergraduate at graduate students sa mga unibersidad. Isinasagawa ng Institute for Studies sa Global Prosperity (ISGP) sa antas na pambansa at internasyonal, sinasaliksik ng mga seminar na ito ang mga paksang higit na mahalaga sa mga mag-aaral at bata pang mga propesyonal. Ang pagdaraos ng mga kumperensiya sa tuwi-tuwina, na isinasagawa ng Associations for Bahá’í Studies ay isa pa ring paraan sa paglilinang ng kakayahan kaugnay nito. Ang gayong mga kumperensya ay nagiging isang tagpo kung saan ang interesadong mga tao ng anumang edad at mula sa anumang larangan ay maaaring talakayin at iugnay ang mga katuruang Bahá’í sa pananaw na kasalukuyang umiiral.

































...

Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.