Ang Pinaniniwalaan ng mga Bahá’í
Kakayahan ng mga Institusyon
Ang unti-unting pag-unlad ng mga pampangasiwaang istraktura ng pamayanang Bahá’í at ang pagpipino ng mga nauugnay na proseso ay mga aspeto na nakatanggap ng makabuluhang pansin mula nang magsimula ang Pananampalatayang Bahá’í. Ang paksa na ito ay inilarawan sa ilang mga detalye sa Pampangasiwaang Kaayusang Bahá’í sa "Ang Paniniwala ng mga Bahá’í” na bahagi website na ito.
Ang lakas na inuukol ng mga Bahá'í sa pagpapahusay ng kakayahan ng institusyon, at ang pangangalaga kung saan sinusunod nila ang ebolusyon at pagtatatag ng mga proseso at istruktura ng pangagasiwa, ay hindi lamang naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng isang kagustuhan na madagdagan ang kahusayan na kung saan ang sariling gawain ng pamayanang Bahá'í ay pinamamahalaan. Kinikilala nila sa kaunlarang ito ang isang kinakailangang kontribusyon sa paraan ng isang bagong kaayusan ng lipunan na inilarawan ng Bahá’u’lláh, sa mga bagong paraan na dadaluhan ng may kaganapang-isip na sangkatauhan sa mga usaping pampulitika, panlipunan, at pang-kultura.
Ang bahai.org.ph ay ang opisyal na website ng mga Baha'i ng Pilipinas. Ito ay nilikha at pinagmamahalaan sa ilalim ng ng patnubay ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng Pilipinas, ang siyam-na-miyembrong halal na namumunong katawan ng kumunidad ng Baha'i sa Pilipinas.
